Tingga ng Lapis





Bilang isang parte ng kabataan, gawin nating tingga ng lapis ang ating mga sarili upang patnubayan ang daloy ng ating mga sinusulatan at gamitin ang ating mga pambura upang kaskasin ang anumang mga maduduming pagsulat at sulating muli ang mga pagkakamaling hindi natutuloy.



     Ako'y palaging nabighani sa uri ng kalagayan mayroon ang iba't ibang  mga taong nakatira sa mundong ito—subalit maswerte man sila o hindi, palagi akong  nagbibigay katanungan mismo sa aking sarili kung paano nga ba nilang napipilit pa ring mabuhay na mayroon pa ngang ngiting nakadikit sa kanilang mga mukha sa kabila ng lahat ng kanilang napagdaanan sa buhay. Nasabi ko man ang linya na "mga taong nakatira sa mundong ito", ngunit ang pahayag na ito ay nakatuon sa mga Pilipinong kumakayod pa ring maging mas mabuti ang kanilang mga buhay araw-araw para lang makukuha nila ang pakiramdam ng kaligayahan at kakontentohan sa kanilang mga puso.






     Paunti nang paunti, bigla kong napagtanto sa kung bagama't gaano kabigat man iyong uri ng kasakitan o kalungkutan ang naibibigay sa ating mga pusong Pilipino, hindi natin maaaring tanggihan ang kung anu-anumang mga posibleng epektong maibibigay nito sa ating mga pag-iisip, at madalas, nakakaapekto sa uri ng ating kalagayan mismo. Datapwa't, biglang nakakatupok lamang sa ating mentalidad na magiging mas maayos kaysa sa mga araw na lumipas. Hindi man lang natin alam, na ang isyung ito ay may higit na malaking epekto sa kabataan ngayon—mga tingga ng bawat lapis na maaaring buhayin ang ilaw ng kabutihan ng bayang ito, o tampalasanin lamang ang maayos na daloy na sinimulan ang kung ano man ang naisusulat.

    Sa modernong panahon ngayon, lubhang bumabago ang uri ng pamantayan mayroon ang panahong ito. Alinsunod sa nasasabing pahayag, lubha ring bumabago ang uri ng pananaw o interes mayroon ang mga tao kaya't iba't ibang opinyon ang nailalahad sa mga aspetong nagaganap natin sa kasalukuyan. Ibig sabihin, ito ay umaabot mula sa pinakasimpleng uri ng aspeto hanggang sa pinakamasalimuot. Ito ay nagbibigay kahirapan sa mga kabataan ngayon sapagkat unting unti na nilang nararanasan ang mga negatibong kadahilanan na nakaaapekto sa kanilang pang-araw-araw na buhay kagaya ng ginawa ng mga tao noon palang hanggang ngayon—ang pagmamaliit sa isang taong hindi man lang nila kilala at binabase lamang nila ang kanilang desisyon sa pagdiskrimina sa pamamgitan ng kanilang pisikal na katangian. Mas nakakaapekto ito sa kabataan dahil sa katotohanan na mas  nagiging sensitibo ang pananaw sa mga kabataan, sapagkat ang kanilang abilidad, kapasidad, at kapabilidad ay nakukulong sa loob ng isang hawla kung saan kakaunti ang posibleng makapagbugkas ng kanilang mga pakpak at gagamitin ang kanilang mga kakayahan upang umunlad ang mismong bayan natin.




Imaheng nagpapakita ng publikong pagpapahiya ng isang estudyante


Nakakatuwa at nakakalungkot ding isipin na dapat talagang gawing kahalagahan o obligasyon ang uri ng pisikal na aspeto mayroon ang isang tao lalong lalo na sa mga kabataan ngayon upang malalaman naila kung anu-ano ang kanilang pwedeng magawa para sa pangkalahatan at hindi sa sarili man lamang. Napakaraming mga pagkakataon ang nadurog at nasayang dahil ang mga kabataan ay palaging hinuhusgahan sa kung ano man lang ang nakikita sa mga tao sa kanila sa isang sulyap, at ginawang mas mahirap pa ang kanilang mga kahihinatnan sa mga kabataan dahil lubos na walang kuwenta raw ang kanilang mga sarili. 

     Sa kabanata XV ng El Filibusterismo (Si Placido Penitente), makikita natin ang isang halimbawang nagaganap na mayroong kaugnayan sa tunay na sitwasyon sa buhay na pinagdaanan ng mga tao lalo na sa mga kabataan. Si Placido Penitente ay isang estudyanteng nasa ilalim ng pangangasiwa ng isang gurong si Padre Millon. Si Padre Millon, bilang isang guro, ay malupit na pagtrato sa kanyang mga estudyante.  Sa kalagayan ni Placido Penitente,  mas pinaghihirapan siya ng guro sa pamamagitan ng pagdodoble sa bilang ng mga pagliban ni Placido sa klase bagama’t tatlo lang ang naituturing pagliban niya sa klase subalit ginawang lima ni Padre Millon ito at dinodoblehan pa. Nagpapatunay ito na may mga taong kagaya ni Padre Millon na pinahihirapan ang kalagayan ng mga estudyante sa marahas na pamamaraan.




Kapag itutukoy nakin ito sa aking pang-araw-araw na buhay bilang isang mag-aaral na may mataas na potensyal na puwedeng magagamit sa kinabukasan hindi lang para sa aking sarili, ngunit para sa lahat ng tao, at bilang isang kababayan na mayroong panaginip at mapaunlad ang sarili kong bayan kumpara sa nakaraan, ang paghihirap ng isang bata ay laganap sa iba’t ibang bahagi ng mundo at hindi lang sa Pilipinas.




Walang patutungohang siklo ng depresyon

Ayon sa isang pananaliksik galing sa Migration Policy Institute, ang epekto ng pang-edukasyon, sikolohikal, at panlipunan ng diskriminasyon sa isang mag-aara ay maaaring pukawin ang mga tugon ng stress katulad ng post-traumatic stress disorder. Ang mga batang nakakaranas ng diskriminasyon mula sa kanilang mga guro ay mas malamang na magkaroon ng mga negatibong saloobin patungkol sa paaralan at mas mababang pag-uudyok sa pag-aaral at pagganap, at nasa mas mataas na panganib na bumaba sa uri ng edukasyon na nasa paaralan. Sa katunayan, ang karanasan ng diskriminasyon ng guro ay hugis ng mga saloobin ng mga bata tungkol sa kanilang mga kakayahan sa akademiko sa itaas at lampas sa kanilang nakaraang akademikong pagganap.




Ito ay nagpapatukoy lamang sa atin na higit na malaki ang mga epektong maibibigay ito sa mga kabataan dahil napipigilan silang pagtatanghalin ang kanilang mga kakayahan dahil sa mga ginagawang kabolokan ng kanilang mga guro. Bilang isang guro, sila mismo ang dapat maging isa sa mga pinakamalaking inspirasyon at motibasyon ng mga kabataan ngayon upang sila ay magiging mas mabuti bawa’t araw na kanilang hinaharap, at gawin silang isa sa mga instrumentong magagamit sa mga kabataan sa kinabukasan.


Imaheng nagpapakita ng kabulagan ng isang bata sa mga pangyayari sa lipunan

“OO NGA! ANG ATING KABATAAN ANG PINAKAMAHALANG ELEMENTO UPANG UUNLAD ANG MUNDO NATIN SA KINABUKASAN!” Nakakauyam ito pakinggan sapagkat sinasabi ng mga tao ang mga bagay na kanilang pinahamak sa simula pa lamang. Sila mismo ang hindi tumupad sa sarili nilang mga pangako na gawing pinagmulan ang kapangyarihan ng kabataan upang baguhin ang mundong napupuno ng kasamaan at kaguluhan. Sila mismo ang nagiging dahilan kung bakit karamihan ng mga kabataan ngayon ang nawalan ng interes og pag-asang gumawa ng mga bagay-bagay na hindi nararanasan at natutuklasan ng mga tao noon at  upang maging mas mahusay sila bawa’t araw at tutulungan ang komunidad na nakkaapaligid sa kanila. Ang mga lider ng ating lipunan mismo ang hindi nagbibigay kahalagahan sa kalagayan ng mga kabataan dahil palagi nilang iniisip ang kanilang mga sarili kaysa sa anu-anumang mga kailangan sa kanilang kapwa tao upang mapaglalaanan at mapagsustentuhan ang mga ito. Bukod sa pagiging makasarili sa ating mga lider sa lipunan, napababayaan ang mga pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.


Potensyal na nasasayang
Hindi lang iyan; ito ay dumating na sa punto na kung saan hindi na nila isinasaalang-alang ang kalagayan ng mga kabataan at kung anu-ano lang ang mga limitasyon ng mga kabataan sa uri ng kanilang kalagayan ngayon bagama’t mayroon silang iba’t ibang uri ng kakayahan sapagkat hindi pa nila ito lubos na natutuklasan kasi nga—nakukulong ito sa loob ng isang hawla ang kanilang mga kapabilidad kaya’t hindi pa sila marunong gumamit sa kanilang mga potensyal. Dahil dito, makikita natin presensya ng pag-aabuso sa taong nasa posisyon patungo sa mga kabataan dahil ginawa nilang “alipin” ang mga kabataan upang matugunan ang sarili nilang mga pangangailangan. May iba’t iba ngang katauyan ang mga kabataan na humantong sa punto na gagawin nila ang lahat upang mapaglaanan din nila ang kailangan ng kanilang mga kapamilya. Bagaman ito nga ay tunay na ebidensya kung saan kumakayod sila para lang mabubuhay ng maayos ang kanilang pamilya, hindi pa rin ito dapat maging sapat at katarungan na rason para lang masustentuhan ang lahat ng mga pangangailangan ng kanilang pamilya dahil ito na ay umaabot sa punto rin kung saan sila ay unti-unti ng nabubulag sa lahat ng mga pangyayaring lumilibot sa kanila.



SECTION 1. Section 2 of Republic Act No. 7610, as amended, otherwise known as the “Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act”, is hereby amended to read as follows: “It is hereby declared to be the policy of the State to provide special protection to children from all forms of abuse, neglect, cruelty, exploitation and discrimination, and other conditions prejudicial to their development including child labor and its worst forms; provide sanctions for their commission and carry out a program for prevention and deterrence of and crisis intervention in situations of child abuse, exploitation and discrimination.”


Kahalagahan ng kabataan
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), “The number of working children considered as engaged in child labor as defined by Republic Act No. 9231 was estimated at 2.1 million or 63.3 percent of the 3.3 million children 5 to 17 years old who worked during the week prior to the survey. More than half of these children in child labor (58.3%) belonged to age group 15 to 17 years who were part of the labor force population. Also, more than half of the working children engaged in child labor (58.4%) were in the agriculture sector.”













Hindi ba natin nakikita ang uri ng kasamaan mayroon ang iba’t ibang mga tao patungo sa mga kabataan ngayon—gawing manika ang kabataan at paglalaruan upang makamit nila ang kanilang iba’t ibang gusto sa buhay? Iyon ba ang mga kaugaliang dapat nating iminumungkahi upang magiging tauhang nagbabantay sa kanilang mga sinasasakupan? Tayo ay nakasalalay sa pag-iisip na palagi nating nakikita ang kasagutan sa bawa’t katanungan o pagkakalito sa anumang aspeto na makikita natiin sa labas ng isang tao—hindi man lang natin kahit masaglit pinagsusurian ang kung anu-anuman ang kanyang layunin para sa madla. Ito na ang punto kung saan dito tayo nagkukulangan ng higit pa sa iba’t ibang mga problemang nahaharap natin araw-araw—nawalan tayo ng sariling responsibilidad bilang isang mamayan sa bayan nating Pilipinas.



Tayong lahat ay binibigyan ng isang tinig na nanggaling sa Diyos—tinig upang ipalaganap ang Mabuting Balita, at ikalat ang mga mahahalagang utos na ibinigay sa Kanya para sa atin upang maialay nating ang ating mga sarili sa lahat ng ginawa ng Diyos para sa ating lahat. Sumasang-ayon pa rin ito sa kasalukuyang panahon sa pamamagitan ng paggamit ng ating mga boses upang buksan ang lahat ng mga matang nabubulag at nakadikit lamang sa mga pagkakahibang sa mundong ito. Kaya’t, huwag na huwag nating kalimutan ang tanging layunin kung ba’t binigyan tayo ng tinig na magagamit natin, ang pagbibigay kaalaman na kaya nating bibigyan ng pagsasakatuparan ang lahat ng mga tainga at matang nakapikit sa mga kamalian at bulag na sumusunod nito. Nagpapatunay lang ito na tayong mga Pilipino ay unti-unti na ring nawawalang ng sariling responsibilidad bilang isang Pilipino MISMO.


KARAPATAN—ang hinihiling ng bawat kabataan, ngunit hindi man ito pinagtuparan. Gusto nating umunlad ang ating bayan, subalit isinara ng mga Pilipino ang pintuan ng pagkakaton para magagamit ang kakayahan ng mga kabataan. Kung hindi natin papahalagahan ang kapakanan ng kabataan, maaaring malagay sa peligro ang kinabukasan ng bayan. Nakakalungkot isipin na ang mga taong nasa mataas na posisyon ang gumagawa ng mga karapatang ito, ngunit hindi itutuluyang naisagawa ang mga karapatang ito, kaya’t nakikita nating mga kabataan ngayon ay naghihirap at nagdurusa sa ideya na mismong ibinigay ng mga taong ito. Narito ang mga sampung karapatan ng kabataan na kanilang ginawa, ngunit hindi tinugunan ng pansin:






Sa bawat karapatan na ito, ang pokus nito ay para sa kapakanan ng mga kabataan na makatutulong sa kanila sa kanilang paglaki. Nanggigil talaga ako sa isang nasabing karapatang naipahayag sa sampung karapatan ng bawat batang Pilipino na nagsasabing “MAIPAGTANGGOL AT MATULUNGAN NG PAMAHALAAN.” Sa mga nakikita natin ngayon—natutulungan ba ang kabataan ng pamahalaan sa iba’t ibang mga kapahamakan ngayon?! Isang malaking halimbawa ay ang CHILD LABOR na hanggang ngayon, hindi pa nasasagot ng nasa pamahalaan. Alam na alam ng gobyerno kung ano ang nangyayari sa ating bansa, ngunit hindi sila tumutugon ng pansin para magawan ng aksyon para mapahinto ang lahat ng ito at sila ay hindi nagsasalita kapag mayroong problemang inaatupag ang ating bansa at kung wala namang problema, sinlaki ng kanilang bibig at naghahanap ng bagay na puwede maging problema.

Mga batang nagsimulang sumikap para sa kabutihan ng susunod na henerasyon
Sinasabi nga nila, “Ang pagbabago ay hindi nagsisimula sa kanila, nagsisimula ito sa iyo.” Ito ay makatarungan sapagkat walang magagawang pagbabago ang bayang ito kapag tayo mismo ang hindi marunong magbibigay kahalagahan sa ating bandila, wika, kultura, at tradisyon. Ito rin ay nagpapatunay na hindi tayo dapat magdedepende sa kanila, kung di, tayo ay magdedepende sa ating mga sarili upang maiimpluwensiyahan nating sa mabuting paraan ang kapwa natin Pilipino na gagawa ng isang mabuting tungkulin araw-araw. Sa oras na ito, nakukuha mo na ang nais kong ilalahad sa inyong lahad—ang pagiging isang tingga ng lapis upang gawing pagtutuloy ang daloy ng pagbabago. Huwag na huwag nating ipagwalang bahala ang ating mga nakasanayan sa nakaraan sapagkat ito ay magiging gabay natin para alam nating ang anumang gagawin pagdating ng panahong sa tingin nati’y hindi makakaya. Hayaan mo akong isasabi sa iyo ang isang katotohanan— ang ingles sa salitang tingga ay “lead”—isang parte ng lapis na nagsusulat sa kung anu-anuman ang gustong sulatin sa papel. Nakakatuwa, hindi ba? Kung hindi nyo alam, ang ingles din sa salitang pagmumuno ay “lead”—isang aksyon upang gabayan ang katauhan sa tamang patutungohan. Kaya’t, bilang isang tingga ng lapis, dapat po tayong marunong mamumuno sa mga sulatin nating upang magagawang maayos ang aralin n gating nilalaman. Subalit, para na ring kinumpleto natin ang ating mga sulatin sa dingding ng kinabukasan. Sa gayon, ang pagdidiriwang lang ang pwede nating mahaharap.



“Tulad ng hindi ginawa ng Diyos ang anumang bagay na walang silbi sa mundong ito, habang ang lahat ng mga tao ay nagtupad ng mga obligasyon o isang papel sa kahanga-hangang drama ng Paglikha, hindi ko malilimutan ang tungkulin na ito, at maliit bagaman ito, mayroon akong isang misyon na punan, halimbawa : pagpapagaan ng mga paghihirap ng aking kapwa.”

-   José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda 

Comments